

|
About me
My Friendster |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| I Have A Type B+ Personality |
|
|
| << March 2007 >> | ||||||
| Sun | Mon | Tue | Wed | Thu | Fri | Sat |
| 01 | 02 | 03 | ||||
| 04 | 05 | 06 | 07 | 08 | 09 | 10 |
| 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 |
| 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 |
| 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 |
Tagal ko din nabakante sa blog ko, may mga bagay kase na nangyari at napakahirap ilahad dito. Lubos kase akala ko na alam ko na ang ikot ng mundo pero nagulat na lang ako nang nadala ako sa agos na hindi ko man lang namalayan. Muntik ko na nga atang hindi naabot ang pampang at tuluyan nang dumausdos sa talon ng kawalan.
May mga pagkakataong naisip ko na ang mga puwedeng mangyari sa loob ng isang taon ay nangyari sa akin sa loob lang ng ilang araw lamang. Mas matagal pa ang araw na aking pinag-alala kesa sa mga pangyayari. Sabi ko nga 'I learned big time'. Mapaglaro ang pagkakataon, dapat marunong ka din sumabay sa tugtog at marunong sa alintuntunin ng laro para hindi ka mauwing luhaan o matalo man ay makabawi din sa huli
Haaay buhay, minsan kase pag malungkot ka nagiging mahina ka. Sa kagustuhan mong sumaya ay minsan napapahamak ka. Sa bilis nga naman ng teknolohiya madaling maghanap ng panandaliang saya. Ilang kumpas lang ng mouse at pindot ng keyboard ay siguradong may mapapala ka na. Yun nga lang wag kang umasa na pangmatagalan ang madadarama mong saya, pag nagkataon baka pang isang araw lang ang iyong makuha. Hehe, nakakatuwa din naman, parang hindi kapanipaniwala pero nangyayari sa totoong buhay at malamang sa bawat isa sa atin.
Maingat na ako ngayon at may tapang at angas na para humarap sa mga bagong paghamon. Sabi nga nila sa bawat pagdapa kaabang-abang ang oras ng pagbangon. Hehe, walang linaw ang entry ko noh, pero basta...ngayon alam ko na....
| mars March 30, 2007 02:24 PM PDT blogging helps you vent out you emotions da bah? anyway, kelangang nating tumayo sa pagkakadapa, kung ako nga dalawang beses nadapa pero nakayanan ko pa ring tumayo. dahil kung di ka tatayo, talo ka. :) | ||
| iskoo March 21, 2007 03:43 AM PDT thats the spirit. maging maingat at matapang. ang problema at [agsubok sa buhay ay temprrary lang at makkatulong din sa growth natin | ||
| ana banana March 20, 2007 11:24 PM PDT ganyan talaga ang buhay masurpresa.. minsan akala mo perfect na ang pagsabay mo sa awit ng buhay pero magugulat ka nalang wala ka na pala sa tono... ayos lang yan.. | ||
| starfish March 19, 2007 05:46 PM PDT whatever it is, i hope you're okay now... ganyan talaga, learning the hard way. ako nga rin eh.. daming palpak sa buhay.. lahat naman tayo. we just have to focus on the positive side of whatever that happened. so we can face a brighter tomorrow. (naks! deep!) *big smile* | ||
| Leave a Comment: |
| Previous Entry | Home | Next Entry |